Una sa lahat ang friend kong si Gizelle Libiran naman talaga ang nag-introduce sa akin dito sa The Coconut Club PH. Ang reason simply lang…. merong “Smoking Area”. Pasok sa requirements namin kapag kumakain kami sa labas. #Priorities. Aside from that here are the 7 Reason’s Why I Love Coconut Club PH:

1. Ambiance ng Resto – super nice ang loob ng resto, neat and clean. #ChillVibes. Sa mga mahilig uminom at maki-party this place has a lot to offer.

2. Services – lahat ng staff approachable and they are all good at customer service.

3. Presyo ng Pagkain
– super affordable lang ng mga pagkain nila. Kayang-kaya naman sa bulsa. Pero ang mahal ng Coke – (Php 130.00) nila dito kaya mas mas-maiging mag-water ka na lang or order iced tea, juice, or coffee. Konti lang ang difference.

4. Servings ng Pagkain – madami ang servings nila para sa akin. Single order parang good for two persons na siya kaya sulit talaga.

5. Lasa ng Pagkain – actually ilang beses na kaming kumain dito sa resto na ‘to, kilala na nga kami ni ate na taga serve sa amin. She knows na nga kung ano ang order ko hahaha. Of course, I always end up ordering my favorite dish, “Lechon Kawali”. As in super recommended ko siya. Tama ang timpla, balanced ang pagka-alat, crispy ang pagkaluto ng balat, at juicy ang laman ng karne. In short #perfection ang pagkaluto nito. Ang sarap! Yum yum yum!

21125085-5285-430D-B05F-EA86484119E8
Lechon Kawali

Itong Ginisang Monggo with Espada toppings – nung una ko siyang natikman as in ilang beses kong sinabi sa kaibigan ko kasamang kumain dito (Hello, J Yap!) na ang sarap ng pagkaluto ng monggo, at perfect ang combination ng espada toppings. Perfect ang pagkalapot ng monggo, ang sarap ng pagkaluto, bongga ang pagpapakulo sa monggo as in parang naging makrema na ang sabaw nito. Ang sarap besh… try nyo mura pa.

2E7B16C5-2D12-4D52-8D87-2DA55C09A3A5
Ginisang Monggo with Espada Toppings

6. Smoking – sa mga nagyoyosi jan this place is perfect for you. Smoking starts at 6pm onwards until the resto closes.

7. Pet Friendly – Pwede kang kumain kasama ang mga alagang nyo aso sa labas nga lang.

EllieatTheCoconurClub
EllieTheSpoiledBratDoggie at The Coconut Club Ph.

For inquiries please call: (02) 621-3111

Follow their Official Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/raintreecoconutclubph/
Instagram: https://www.instagram.com/coconutclubph/

No more articles