Natutuwa at excited ako ng malaman ko na magkakaroon ng branch ang Rico’s Lechon from Cebu dito sa BGC, Taguig. Alam ko kasi na super sarap ng spicy lechon nila… nakakain na kasi kami doon during our vacation in Cebu.

Last month kumain kami ng mga officemate ko sa newly opened Rico’s Lechon branch in BGC. Sila din ang kasama kong kumain noon sa Cebu. Of course, we ordered ½-Kilo of Spicy Lechon and Seafood Kare-Kare.

Ito lang ang masasabi namin:

9341E80C-F592-4E14-BB22-EF71BA1B491B
Rico’s Lechon, BGC Taguig

Mukhang ang sarap sa photo diba? Pero sa totoong buhay… Kaloka ang alat kulang na lang sa tubig para maging dagat na. hahaha At higit sa lahat hindi crispy ang balat at ang tigas.

D757CCC2-B18D-414E-AF69-EED3AEEF8F0D
Rico’s Lechon, BGC Taguig

Ito namang Seafood Kare-Kare akala mo super sticky sa photo per sobrang labnaw niya. Ang tawag ko nga sa kare-kare nila ay “kare-kareng sinigang” or “nilagang kare-kareng”. Hahaha See the video as proof na hindi ako nag sisinungaling.

IMG_4760
Rico’s Lechon, BGC Taguig
Kayo na ang humusga! Hihihi

Mareklamo talaga ako pagdating sa pagkain kapag hindi masarap. Pero wala kaming choice kundi kainin kasi sayang ang bayad. Hindi talaga ako nasarapan at nasiyahan sa kinain ko.

Pero hindi ko alam sa ibang nakakain… Malay mo sobrang sarap pala para sa kanila! Basta sa akin at sa mga officemates ko, hindi kami nasarapan. Ito’y opinion lamang ng aking sariling panlasang.

No more articles