Merong mga nagsasabi na ang pagluluto raw ng Lechon Kawali ay delikado at nangangailangan ng ibayong “technique” sa pagpriprito. Ito lang ang masasabi ko…sadyang napaka-basic lang gawin nito. Just follow these simple steps intended for the lazy person like me.

1. Hugasang maigi ang pork belly hanggang wala nang amoy. Pagkatapos, pwede mo na itong ilagay sa pressure cooker para mabilis lumambot.

2. Ayan na. Lagyan ng tubig na ka-level lang ng karne. Malaki ka na kaya alam mo nang mag-tantsa ng dami ng tubig.

3. Ilagay ang mga sumusunod na pampasarap na sangkap:

3.1. 1 kutsaritang iodized salt (para masustansya)
3.2. 2 sachet ng Magic Sarap (optional. Gumamit lang ng 1 sachet kung gumamit na ng asin)
3.3. 3-5 pcs. ng siling mahaba – depende kung gaano kaanghang mo gusto
3.4. 2 pcs. ng sibuyas – medium sized
3.5. 3-5 dahon ng laurel
3.6. 1 kutsaritang pamintang buo

4. Pagkatapos po nating mailagay lahat ang mga pampalasa, kumuha ng sandok at paghalu-haluin sa loob ng 30seconds to 1 minute. Choice mo din yon kung gaano katagal mong hahaluin at kung nag-enjoy ka . Bahala ka! Hahaha

5. Takpan ito at isalang na sa apoy. Antaying tumunog or sumingaw ang pressure cooker. Habang nakasalang at pinapalambot natin ang karne, meron kang ibang choice na pweding gawin. You can watch TV or mag-hugas at maglinis ng mga ginamit mong kasangkapan – multi-tasking kung baga.

6. Kapag narinig mo nang sumisingaw ang pressure cooker, hayaan mo muna ito ng 10-15minutes. Pagkatapos, patayin na ang kalan. HUWAG na HUWAG mo munang buksan ang pressure cooker, okay?! You should know the rules when using pressure cooker—allow it to cool down for at least 10minutes and let tap water to run on top it before opening to prevent any pressure cooker-related accident.

7. Kunin ang pork belly mula sa pressure cooker at ilipat sa isang lalagyan. Palamigin nang kunti hangang sa kaya mo na itong hawakan. Kapag okay na po, maari mo na ito pahiran ng kaunting asin at paminta (yung pampalasa ha) – depende rin yan sa gusto mo.

8. Gumamit ng turbo boiler at hayaan itong maluto at maging crispy sa loob ng 40-50minutes na nakamaximum ang level ng init.

9. Maging mapagmatiyag. Tingnan-tingnan ang nakasalang na pork belly after 30minutes at baliktarin ito kapag medyo pumupula na. Maaring bawasan ang level ng init ng turbo boiler para hindi masunog.

20150913_161544

10. Ayan, ito na ang perfect spicy pork belly kawali, na nanunuot sa sarap!

FB_IMG_1442584148710

Naglalaway ka na ba? Ano pa ginagawa mo? I-try mo din itong lutuin sa bahay mo. Enjoy!!!

No more articles