Everday na-cha-challenge akong magluto ng baon for lunch. Palagi kong problema kung anong menu na naman ang aking lulutuin and due to Geoff’s demand – nagpaluto siya sa akin ng Spicy Pork Adobo.

Napakadaling lutuin at gawin ang Spicy Pork Adobo. Sundun lamang ang mga sumusunod na hakbang:

1. Una, Ihanda ang mga sumusunod na pangunahing sangkap;

• ½ Kilo Pork Belly
• 3-4 pcs. Siling Mahaba (green)
• Bawang, Sibuyas at Paminta
• 200 mL Toyo
• 200 mL Suka
(Note: tanchahan portion lang po ang dami ng toyo at suka – wala kasi akong measuring cups)

2. Hugasan nang maigi ang karne at hiwain ng mga 1-1.5 in x 1-1.5 in size cubes. Depende naman ang sukat nito ayon sa sukat na gusto natin.

3. Ilagay ang karne sa isang kawali at lagyan ng kalahati basong tubig at hayaang lumambot at magmantika.

4. Habang pinapalambot natin ang karne, ihanda ang bawang at sibuyas.

5. Kapag nakita nating nagmantika na, pritohin lang muna ang karne hanggang magkulay brown–yung medyo crispy tingnan.

6. Ilipat natin sa isang hiwalay na lalagyan ang napritong karne at igisa ang mga sumusunod: siling mahaba, bawang at sibuyas sa loob ng 1-2minutes.

7. Lagyan ng 100 mL ng toyo at 100 mL ng suka. Pakuluan ito hanggang matuyo at magmantika ulit.

8. Lagyan ng paminta nang naayon sa panlasa – tanchahin mo na lang.

9. Hayaan itong kumulo sa loob ng 3-5minutes. Huwag buksan ang takip para hindi mahilaw ang suka.

10. Ayan na, luto na an ating Spicy Pork Adobo – finance by Geoff – Geoffreview.com.

13095941_10206122747177826_6469815594120303785_n

Ano sa tingin ‘nyo sulit ba ang Php 150.00 na ibinigay sa akin ni Geoff o lugi ako? Please take note demanding pa yan, he requested na dapat dagdagan ko ng Olive Oil ang adobo para healthy raw ang mantika. Ano kaya yon? Lol.

No more articles