DAY TOUR IN OSAKA CITY, JAPAN

(MAY 02, 2014)

Saan-saan ba pwedeng pumunta sa Osaka City, Japan sa loob ng isang buong araw…maliban sa Universal Studios? Narito ang aking Top 6 highly recommended tourist attractions/destinations na maari ninyong mapuntahan na naayon sa budget.

From Kansai International Airport – Domestic Terminal, it took us 1 hour by bus going to Osaka City Proper (~JPY 1000).  Keri lang namin ang biyahe kasi natulog lang naman kami sa loob ng bus. Pwede ka rin namang mag-regular train (will take you about the same time at ~JPY 800-1200) or mag-express train kung nagmamadali ka at atat na atat.  It will save you around 15 minutes of travel time at a cost of about JPY 500-700 more.

So, pagbaba na namin sa bus station – naglakad na kami para hanapin ang aming hotel na matutuluyan for 2 nights.

for leaves inn - wrong send caption

Ang For Leaves Inn Uehonmachi Branch – Dito kami unang nagpunta kasi ito ang turo ni google map sa amin. Nang ipinikita na namin ang aming booking reservation –  ayon wrong send at itinuro kami doon sa kabilang branch. Malay ba naming dalawa ang For Leaves Inn Hotel, kasalanan ni google map. Diba ang saya lang! – photo grabbed from www.booking.com

correct 6696623

After 20-30 minutes walk, ito na talaga ang tamang hotel na nabook namin sa www.booking.com – (free endorsement pa) – located at Nishi-Tanabe, JPY 2,500.00 per night. Hindi sila walking distance apart!  Sa sobrang pagod ay nawala na sa isipan namin na kumuha ng picture for documentation kasi pagod at gutom na. Kaya diretso akyat na sa kwarto para iwan ang gamit at naghanap na ng pagkain for our dinner. So, lumabas kami at nag-ikot sa area at doon kami nakabili ng pagkain sa Family Mart (~JYP 500-800) plus Iced Tea (~ JYP 100 – 150) – ‘yong mga bento box nila na masasarap! Hindi na kami kumain sa medjo mamahaling restaurant kasi kakain naman kami bukas ng gabi sa Mizuno na makikita ‘nyo saa dulo ng post ko..- photo grabbed from www.booking.com

kama - 6696620

Ito ang itsura sa loob ng kwarto na pinag-stayhan namin sa loob ng dalawang gabi. Hindi siya masyadong kagandahan pero sulit na siya para sa amin kasi tutulugan mo lang naman at pag-iiwanan ng mga gamit habang kami ay nag-iikot sa labas. Basta ang importante ay malinis at safe.By the way, hindi siya ganyan kaaliwalas at kalinis sa totoong buhay pero okay pa rin.

Ito na…. maaga kaming gumising para masimulan na ang pag-iikot sa Osaka City.

10314654_10201906327089959_6842823018808244024_n

Mandatory Photo at ticketing machine sa JR train station- less hassle, walang pila hindi katulad ng MRT at LRT  natin pila balde – off to Shintennoji Temple.

1. Shintennoji Temple – located at 1-11-18 Shitennoji, Tennoji Ward, Osaka, Osaka Prefecture 543-0051, Japan.

10366083_10201906419092259_7999427056812745653_n

Isa sa mga main entrance ng temple.

10302471_10201906340850303_2592380792613641094_n-2

closer photo sa likod ng background pic ko sa taas! devilish looks dba?

10325331_10201906438572746_7679001135852658140_n

Pagpasok namin dito sa temple, as a respect dumiretso kami  sa “yamizuya” para maghugas ng kamay – way of cleansing our soul.

Sa pag-iikot namin sa loob ng temple, marami akong nakitang iba’t ibang sizes ng temple – akala ko nga isang compound na maraming bahay. Merong small, medium, large at extra large na temple sa loob at ‘yong pinakamalaking temple ay nasa gitna nakatayo surrounded by a pond na maraming…ninja turtle!.

10350441_10201906618137235_2727458648237351438_n

Isa sa malaking temple na nakita dito loob at sa harap nito merong dalawang malaking fish pond.  Makikita ‘nyo naman sa right side area ko ang maraming pagong at ‘yong iba jan tumatalon pa at nagpapakitang gilas sa mga turista. Kaya hindi pala siya fish pond kundi…turtle pond. hahaha

10334405_10201906482333840_406022920904277850_n

Itong mataas na temple ay ang pinaka sentro or puso ng pananampalataya!

2. Tsutenkaku Tower – located at 1 Chome-18-6 Ebisuhigashi, Naniwa Ward, Osaka, Osaka Prefecture 556-0002, Japan.

10258480_10201906717499719_5108248879353103351_o

Sa paligid ng tower ay marami kang makikitang  establishments like restaurant and more restaurants. hahaha, walang masyadong gagawin dito kundi kumain at magpapicture lang sa tower para sa Facebook and Instagram Post. Mga 30 minutes stay and photo op keri na at umalis na kami agad for our next destination.

3. Sumuyoshita Taisha Shrine – located at 2-9-89 Sumiyoshi, Sumiyoshi Ward, Osaka, Osaka Prefecture 558-0045, Japan.

Sa unang tingin ko pa lang na-inlove na ako sayo! Sobrang ganda ng bridge kaya ako’y naaakit ng bonggang bongga dito. Napaka-artistic ng design, sosyal at maarte katulad ko.

10313225_10201906789341515_8257816048505480641_n

Napaka unique at elegante ng tulay. Kapag natapatan ng sinag ng araw makikita natin ‘yong reflection na kulay pula sa tubig. Hindi ka ba ma-iinlove sa kasama mo este sa napakagandang view?

10402014_10201906734180136_2074426028426009656_n

closer look ng tulay na kasama ako. hahaha, sa unang tingin pa lang malalaman na natin na sobrang ganda, pulido at tibay ng pagkagawa ng tulay. Dagdag pa ang mga magagandang tanim na bulaklak at punong kahoy sa paligi nito.

10402467_10201906750060533_8995831632359548147_n

Isa sa mga makikita mo sa loob ng temple at hindi ko alam ang mga nakasulat jan, obvious naman diba?

4.Osaka Castle – located at 1-1 Osakajo, Chuo Ward, Osaka, Osaka Prefecture 540-0002, Japan.

10377090_10201984395481620_1742630116861646232_n

On the way to Osaka Castle – sobrang linis dba at meron pang wall clock ang nakasabit sa puno. Sa atin pa yan…. hmmmm ninakaw na! lol?

Sa labas ng Osaka Castle ay ang napakalawak na park na kung saan maraming mga taong namamasyal, nagpipicnic, ‘yong iba nag-jo-jogging at meron din akong nakitang mga kabataang Hapon na nag-eensayo ng mga hip hop dance at skate boarding. Yung iba naman tambay lang, nakikipagchismisan, nagbabasa ng mga novel books or manga comics.

10273834_10201906799141760_8942647877576563726_n

Mandatory Photo – outside ng Osaka Castle. Bago kami nakarating dito, saktong hingal (yosi pa more) at sakit sa paa ang aming naramdaman kasi medyo paakyat at nasa tuktok nakatayo ang castle. Pero mapapawi naman ang hingal at pagod mo kapag nakita muna ng malapitan ang nasa likod ko. Isn’t  amazing?

10381982_10201906812182086_6696765787136971036_n

closer photo ng Osaka Castle, hindi kami mapalad na nakapasok kasi wala kaming passes to enter at under renovation din ang loob ng castle kaya no big deal sa amin – in fact nakatipid pa kami ng few hundreds of yen.

3ac72db1401bfd9e12400de7eeccf7eeae5769d55b0753b7698da3fef696fee2

sa gilid ng castle, matatanaw natin ang ilog at ang concreatong pagkagawa ng pader.

f8d9891af275a5dddf38d983b4734d3c8f5578f008d5400b5f9a98cef5c479b9

side view photo ng osaka castle na napakagandang pagmasdan dahil sa matingkad nitong kulay at maarteng mga designs sa taas at idagdag pa natin ang ilaw sa loob ng castle na kahalihalinang pagmasdan.

5. Dotonbori – located at Dotonbori, Chuo Ward, Osaka, Osaka Prefecture 542-0071, Japan.

10307243_10201910069103507_506910456904538014_n

Papayag ba ako na walang akong picture dito? Syempre hindi, dba? Hindi maging kumpleto ang pag-rampa ko sa Osaka kung hindi ko napuntahan ang sikat na sikat na si Glico man sa Dōtonbori.

glico guy

closer photo of Glico man – nakilala siya sa pagtakbo along Dotonbori bridge papuntang Nipponbashi Bridge in Namba district. Napaka-simple lang naman – ito ay gawa sa lighted box or illuminated billboard na nakadikit sa isang wall ng isang building. Nagbabago-bago ang kulay ng background sa larawan at meron animation effect na parang tunay na tumatakbo.

10380997_10201906831742575_3119845906409357088_n

Makikita natin sa area na merong mahabang ilog at sa ilalim ng tulay meron akong nakitang bangkero na nagpapasakay ng mga turista para mamasyal sa gitna nito. Nagtanong ako sa presyo kaso medjo gabi na din kasi kaya hindi ko na sinubukan. (medjo mahal kasi 50 dollars – palusot)

2b85f40a199b1db54a3ff0a3f717216c412b9627de4fcf6ee182cd951ff5fabb

Ito ang isa sa pinaka-busy na lugar ng Osaka, the heart of galaan/nighlife ng lahat ng mga tao. at ang daming mga turista dito. Marami kang makikitang establishment dito kagaya lamang ng mall,mga restaurants, restobars, saloon at iba pa. Maraming hapon ang nag-aalok dito ng kung ano-ano, merong iba na nag-0-offer ng massage services, uminom at mag-video-okey sa bar nila!, kumain sa restaurant at iba pa. Syempre hindi namin sila pinansin kasi diritso lakad na kami para pumila sa Mizuno.

 

6. Mizuno – located at 1-4-15 Dotombori, Chuo-ku, Osaka 542-0071, Osaka, Japan.

Bukod kay Glico man, kilala ang Osaka bilang food capital ng Japan, partikular na ang pagkaing okonomiyake at takoyaki.  Isa ang Mizuno Restaurant sa dinadayo at pinipilahan ng mga turista dahil sa napakasarap na specialty dito. Minabuti naming subukin ang restaurant na ito na ayon sa maraming reviews ay nag-se-serve ng  best okonomiyake in Osaka.  Kaya ating alamin at tikmang ang sinasabi nila. Maswerte kaming umabot sa pila at sa cut-off ng reservation at halos more than one hour kami nakatayo sa labas bago nakapasok sa loob para kumain.

1cc7f71e689a59b1b0312159fa53d89ac218c1c00515d63e7693a8f4132a5f43

Nang nakapasok na kami sa loob ng restaurant doon kami sa taas naka-pwesto at pag-akyat palang namin sa 2nd floor, itong masasarap na okonomiyaki photo wall menu ang bumungad at bumulaga sa amin na sadyang nakakagutom at katamtakam tingnan.

4b7893633ea927e814af0991eeacf35e46706c34470ce0fe75dcb83e45f06cef

sulit pala ang pag-aantay namin ng more than 1hour kung ‘yong magluluto sa harapan mo ay siya! hahaha pwede na dba? lol

20140502_211206-01

Dito, actual na lulutuin sa harapan mo ang order mong okonomiyaki! talagang pila balde dito kasi nga….. masarap siya!.

cc939d7dbb0990193a82fd9ee2412e72f0cf5f80520e650db792ebfdfcd41b17

ito ang order namin, madali lang naman pala gawin ito or lutuin – para lang itong paggawa ng pancake.

Ang okonomiyaki ay gawa sa pinaghalo-halong sangkap ng mga shredded nagaimo or japanese yam, egg, dashi broth na may kasama pang shredded cabbage, pork belly and seafood at kapag malapit ng itong maluto nilalagyan pa nila ito ng toppings like bonito flakes, okonomiyaki sauce, japanese mayonnaise and spring onions (dahon ng sibuyas). Napaka-malasa ng Okonomiyaki nila dito, malalasahan mo talaga na fresh ang mga ginamit nilang sangkap at dagdag pa nito ay ang perfect combination ng japanese mayo at okonomiyaki sauce. – at siya… ‘yong nagluluto. hahaha

Hindi pa dito sa Osaka nagtatapos at na-u-ubos ang aking paglalaro ng #UbusangPera. Kaya samahan ninyo ako ulet sa Kobe at Kyoto na kalapit bayan ng Osaka sa susunod kong blog. Hanggang saan kaya dadalhin si EmonTopOfTheWorld sa paglalaro niya ng #UbusangPera?

Abangan at pakisubaybayan na lang….

No more articles