FIRST LEG: NAGASAKI-KEN (PREFECTURE), The Port City of Kyushu,  JAPAN (April 28 – May 01, 2014)

I’ve noticed that most Filipino travellers do not have the chance to visit Nagasaki Prefecture compared to other cities of Japan like Tokyo, Osaka, or Kyoto. Perhaps, the reason is because Nagasaki is located farther down South in the island of Kyushu, about 1 hour by plane or 4-6 hours by train from Osaka (Kansai International Airport). One needs to allot at least 3 days if you really want to visit this place. It is not as touristy as the other places but it gives one a different feeling because of its past.

I’m so grateful I was able to explore the relatively “off beaten track” city of Nagasaki. Join me as I reminisce my adventure in this city familiar only to me previously as one of two Japanese cities that experienced atomic bombing during World War II.

Here’s the actual list of places I visited that were listed in my itinerary.

Day 1: April 29, 2014

  • NAGASAKI UNIVERSITY  ,located at  〒852-8521 Nagasaki Prefecture, Nagasaki, Japan 文教町 1-14. Dito nag-aral at nagtapos si @gonnabedess ng Masters Degree in Tropical Medicine sa loob ng isang taon.
20140330_162949-01

Entrance of Nagasaki University – photo courtesy of @gonnabedess  kasi hindi ko na naabutan ang pamumukadkad ng cherry blossoms.

20140327_182413-01-3

Closer photo of cherry blossoms – photo courtesy of  @gonnabedess.

20140501_103819

Inside Nagasaki University – ito na lang luntiang mga halaman at punong kahoy ang aking nadatnan sa pagdating ko sa lugar na’to. 🙂

wp-1459219624646.jpg

ito na lang ang naabotan kong makukulay na bulalaklak at iba pang uri ng halaman around nagasaki. Ang actual cherry blossoms encounter ko sa Mt. Fuji pa kaya abangan…..

  • MEGANEBASHI “SPECTACLES BRIDGE”, located at Uonomachi, Nagasaki, Nagasaki Prefecture 850-0874, Japan.
10256248_10201918282508837_184112952709416540_n

Meganebashi Bridge –  tinatawag din itong Spectacles (salamin o antipara) Bridge sapagkat makikita sa likurang bahagi ng lawaran ang tulay at ang reflection nito sa ilog na animo’y salamin (hence the name). Isa ito sa mga structures na naka-survive after the bombing of this city during World War II.           

  • GLOVER GARDEN, located at 〒850-0931 Nagasaki Prefecture, Nagasaki, Minamiyamatemachi, 8番1号, Japan.  (Entrance Fee – JYP 610.00)
DSC07810

Glover Garden ay isang napakalawak na park sa Nagasaki na kung saan kadalasan maraming mga lovers 0r magkakasintahan ang dumadayo dito para magdate . Klasi-klasing halaman at mga bulaklak ang makikita mo dito at mga magagandang landscape.

10363321_10201899432917609_6834030337085143757_n

From the terrace you can view the Nagasaki Port.

  • DEJIMA , SEASIDE PARK AND NAGASAKI PORT, located at 2-11 Dejima-cho Nagasaki, Nagasaki 850-0862 Japan.

1384385_10201899351995586_5956531173311859763_n

10338716_10201899352635602_748472241658497301_n

Malinis at napaka organisado ng port nila dito.  Sa  gilid ay maraming mga establishments like restaurants, bars and coffee shops. Masarap tumambay dito, uupo ka lang at magkape sa isang coffee shop pwede ka nang magmunimuni or mag-emote sabay sindi ng sigarilyo. hahaha

  • CHINA TOWN IN NAGASAKI, located at 10-13 Shinchimachi, Nagasaki, Nagasaki Prefecture 850-0842, Japan. Kahit saan ka sigurong bansa pumunta, merong China Town #MadeInChina. LOL.

10356319_10201918281188804_6732422285153677439_n

Pagkatapos naming mag-ikot nang buong araw, kumain kami ng dinner sa isang buffet – Jyu Jyu Karubi.

wp-1459219636184.jpg
Napakasosyal ng menu nila, take note ang gamit nila dito ay tablet or ipad at pindot- pindot  na lang ang order and after 3-5 minutes, ihahatid na lang sa table ang order mo. (JYP 3,000.00 + tax)wp-1459219647771.jpg

wp-1459219653349.jpgwp-1459219630318.jpg

April 30, 2014, around Nagasaki University, Sakamoto-machi:

  • HYPOCENTER & NAGASAKI PEACE PARK,  located at 〒852-8118 Nagasaki Prefecture, Nagasaki, Matsuyamamachi, 2400−3. Habang ako’y nagmamasid, namamasyal at kumukuha ng mga pictures sa park na’to, hindi ko mapigilang malungkot at hindi ko ma-explain ang aking emosyon dahil alam kong maraming tao ang namatay dahil sa atomic bombing  noong August 09, 1945.  Iyong mga nakaligtas naman sa pagsabog suffered from radiation injuries at kalaunan ay namatay din.  Kaya nagawa  ang park na ito ay para gunitain ang mga naging biktima ng pagsabog.
10351177_10201918280388784_1289938295909428353_n

Statue meaning – the right hand points to the threat of nuclear weapons while the extended left hand symbolizes eternal peace. The mild face symbolizes  device grace and the gentle closed eyes offer a prayer for the repose of the bomb victim souls. The folded right leg and extended left leg signify  both meditation  and initiative  to stand up and rescue  the people of  the world. (from Wikipedia)

PhotoArt_10062013183310-1

Ito ang hypocenter kung saan tinatayang actual na sumabog ang atomic bomb.  Take note na sadyang hindi sumabog sa lupa ang atomic bomb kundi ay ilang metro sa ere–ito ay upang mas malaki ang maidulot na pinsala sa lungsod tsk tsk tsk.

20131006_125557

Mga naiwang poste ng Urakami Cathedral

10390325_10201918279508762_2106177459557717623_n

Fountain of Peace –  for the repose of the souls of the many atomic bomb victims who died searching for water. (from Wikipedia)

  • NAGASAKI ATOMIC BOMB MUSEUM, located at 7-8 Hiranomachi, Nagasaki, Nagasaki Prefecture 852-8117, Japan. (ENTRANCE FEE : JYP 600.00). Sa loob ng museong ito’y kakaibang feeling na naman ang aking naramdaman–‘yong kalungkutan, pasakit at hirap na naranasan ng mga taong naging biktima ng pagsabog. . . bomba na kagagawan ng  Estados Unidos. Sinabi ko nga sa sarili ko napaka-swerte ko naman at hindi ako pinanganak sa lugar na’to at panahon nila  kasi naiisip ko pa lang give up na ako agad agad.

    20131006_124206-1

    Entrance of Nagasaki Atomic Bomb Museum

Merong exhibit ukol sa nagasaki atomic bombing at ma-a-amaze ka (wow!) kung paano nila nagawa ang demonstration ng pagsabog. Maraming mga artifacts ang makikita tulad ng mga actual na debri, gamit, mga lawaran at mga video footages  ng pagsabog.

20140430_115713

Inside of the Atomic Bomb Museum –  bongga ang exhibit parang tunay na missile at hindi lang yan marami pang ibat-ibang klasing missiles ang makikita mo sa l0ob ng museo.

20140430_114702

Replika ng Atomic Bomb  – sobrang laki niya at kasya  ako sa loob!

  • SUWA SHRINE, located at 18-15 Kaminishiyamamachi, Nagasaki, Nagasaki Prefecture 850-0006, Japan.
20140430_133122

Pagkatapos ko sa Atomic Bomb Museum naglakad ako papuntang sakay ng tram at ang inyong lingkod dito nga bumaba sa Suwajinja-Mae Station. Makikita ‘nyo na sobrang linis, walang vadalism keme ang ilalim ng underpass at walang kang makikitang tumatambay dito para manglimus or mga nagbebenta ng kung ano-ano.

20140430_133321

Torii gates leading to Suwa Shrine – hihingalin ka muna sa pag-akyat bago mo marating ang tutok ng shrine – sabi nga sa nabasa ko 193 stone steps to be exact. Pagdating mo naman mapapawi ang pagod at hingal mo dahil sa magagandang tanawin at tanaw mo din ang buong syudad ng Nagasaki.

20140430_134533

Pagpasok ko sa main shrine makikita sa right side corner ng entrance area ang “Temizuya” – kailangan nating maghugas ng kamay or bibig to cleanse our soul (‘yon ang mga paniniwala nila).

10390016_10201899466478448_7775909965395632691_n

Inside Suwa Shrine – parang fish pond na pinaganda at pinasosyal. 🙂

  • NAGASAKI MUSEUM OF HISTORY AND CULTURE, located at Japan, Nagasaki Prefecture, Nagasaki, Tateyama, 1 Chome−1−1 長崎歴史文化博物館 (ENTRANCE FEE : JYP 600.00). Ang museo na ito ay nahahati sa dalawa. Una ay ang History and Culture Exhibition Zone – ipinapakita sa exhibit ang mga historical documents, mga maps ng lugar, at mga magagandang arts & crafts tulad ng mga paintings, ibat-ibang uri ng kasangkapan, mga damit, alahas, make ups at marami pa.Dito nasasalamin ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa lugar na’to at iba pang impluwensiya ng ibang mga bansa kasi pumasok na ang mga dayuhang turista from Portugal, Europa, Korea at China kaya no wonder merong China Town dito..Ang pangalawang bahagi ay ang Japanese Government of Nagasaki Zone – dito naman bago ka makapasok kailangan mong maghubad ng sapatos kasi ang sahig ay gawa sa “tatami.” Dito mo naman makikita ang mga offices at mga officials during that time.

10311006_10201899434757655_1608714104112037461_n

20140430_153035

Grand Entrance of the Nagasaki Museum of History and Culture.

  • MOUNT INASA, located at Fuchimachi, Nagasaki, Nagasaki Prefecture 852-8012, Japan
10339776_10201899464958410_310648389968637102_n

with Dr. Naohiko. Matsushita

CIMG2263

At the top of Mount Inasa –  which rises to a height of 333 meters and the over looking view of Nagasaki.20140430_182146-01-1

20140430_182722

At the top of Mount Inasa Observation Platform with my dearest friend & tour guide Dr. Dess.

  • INASAYAMA ONSEN FUKU NO YU OUJIMA ONSEN, located at 451-23 Iwamimachi, Nagasaki 852-8017, Nagasaki Prefecture. After sight seeing at the Mt. Inasa, we went to Inasayama for buffet dinner and for the onsen (hot spring) experience. Pagpasok pa lang, bibigyan kana ng bracelet para sa access pass for buffet, the onsen at para sa lahat ng transactions sa loob ng onsen spa.  Iyon din ang i-pe-presenta mo kapag ikaw ay magbabayad na paglabas.
    10924785_10203312353479740_517542883580572957_n

    Buffet dinner with Dr. Dess and Dr. Naohiko (ang nagmamay-ari ng misteryosong pinggan sa harap ng picture- wala siya sa photo kasi siya ang inutusan kong mag-picture sa amin. 🙂

    After dinner, we walked towards our next agenda– the “ultimate” onsen (hot spring) experience. Pagpasok ko pa lang sa locker area, talagang bongga ang pag welcome address sa akin bilang “first timer.” Bumulaga sa akin ‘yong mga taong hubo’t hubad..but I like it! Whew!!!  At keri lang…kaya ko din namang maghubad at mag-feeling bold star. . .  .

IMG_1539
Entrance for Onsen hot spring! Magkahiwalay ang para sa mga babae (red) at sa mga lalaki (blue).  Take note of my bracelet (see text).

At tumambad na nga sa akin ang mga “bagay-bagay” na hindi kadalasang nakatambad.  Medyo maraming tao noon at ang ibang ay mukhang gustong mag-relax pagkatapos nang trabaho.  Habang nag-iipon ng lakas ng loob ay sumama muna ako kina Dess na bumili ng towel (JPY 300) mula sa vendo machine at nagmatyag nang maigi sa mga kaganapan sa loob.  At dahil no choice na, hinubad ko na rin ang aking mga kasuotan at iniwan sa loob ng locker.  Mula rito, ang tanging bibit ko na lamang ay ang bracelet at ang kakapiranggot na “good morning towel” na pangtakip sa maselang bahagi ng aking murang katawan- take note na optional lang yan kung gusto mong takpan…hahaha.  Iyong mapapansin na karamihan sa mga tao sa loob ay naglalakad nang walang saplot pero kering keri lang naman.

Pagpasok mo sa loob ng actual onsen area, kailangan mo munang magbanlaw or maligo bago ka pumunta sa sauna at  jacuzzi areas. Ito ay basic onsen etiquette para tanggalin ang mga libag libag sa iyong katawan.  Sabi nga nila, bawal ang manilip…pero mas bawal ang hindi maligo!  Maraming maliliit na pool or jacuzzi na may ibat-ibang uri ng temperatura na pwede kang mamili depende sa init na kaya ng iyong katawan. Meron ding malamig na jacuzzi kung type mo. Ang pinakamainit ay nasa 42 C.  Ang pinakagusto sa lahat na part doon ay ang jacuzzi sa labas kung saan tanaw mo ang buong “aerial night view” ng Nagasaki sama ang mga nagniningning na ilaw nito… na kasama si “junior.”  Dahil early spring pa noon (bagamat late na para sa cherry blossoms) ay malamig pa ang simoy ng hangin (mga 19 C) kaya sobrang sarap sa pakiramdam at nakakarelax ang mainit na tubig ng onsen sa iyong katawan.

1506922_10201899350275543_7704081562075550146_n

Ito ‘yong waiting area kung saan tumatambay ang mga tao before or after magrelax sa onsen o kumain.  After namin sa loob ng onsen, dito muna kami para magpahinga at uminom ng hot tea bago umuwi at bumalik sa hotel. Kaya makikita ‘nyo na tanggal na ang mga BB cream at ang buhok hindi na nakadrier. lol

Maaari kang tumambay sa loob ng onsen hanggang sa cut-off time nila, pero kami mga  2 hours lang…saktong pangpatanggal ng pagod sa katawan. For this “wild” experience, it cost us around JPY 3,000.00 per person with buffet dinner na.

May 01, 2014 – Sayonara Nagasaki ! ! !

Today we go to Osaka (Kansai) area.  We had to take a bus from Nagasaki City Center to the Airport for 1 hour (JPY 800 discounted price for students hehehe) and then fly by air for another 1 hour.  In general ay mas mura pang magtravel around Japan via budget airlines kesa mag-bullet train.  Ang isa pang cheaper option ay ang mag-overnight bus ka.  It will save you a few hundred yen and a night’s stay sa hotel.  Ginawa namin ang overnight bus experience from Kyoto to Tokyo (details of this in my next posts).

image-93fd0e671a1ddaee8da4a04c6d0cd1f1936bde8287b3a04484508c49b4d294a3-v.jpg

From Nagasaki University, naglakad kami papuntang Cocowalk mall kasi dito ang sakayan ng mga bus papuntang Nagasaki Airport. – medjo makulimlim ang panahon that time.

20140501_132448

Makikita ‘nyo na dalawa lang kaming pasahero ng bus at kung meron or walang sakay sinusunod talaga ng lahat ng mga driver ang time schedule nila. Hindi tulad sa atin pupunuin muna bago aalis.

Before we left Nagasaki, papayag ba kayong hindi ko matikman ang specialty food nila? Marahil hindi diba? Kaya ito na yon….

20140501_150027-01

This is the famous Nagasaki Champon.  Pansit canton with chop suey ang peg, nagsimula sa China at naging specialty ng Nagasaki. (JPY 700-1000)

20140501_150129-01

Tasteful Gyoza! Yumyumyum!!! (JPY 500-700)

10891886_10203311381495441_1861957533980173620_n

Mandatory photo outside Nagasaki Airport – Until we meet again!

Ang sarap talagang mag-travel sa Japan. Marami pa akong ikwekwento sa inyo. Abangan ang mga susunod kong blog post at saksihan kung paano ako naglaro ng…ubusang pera. hahaha.

No more articles