Nagsasawa ka na bang kumain sa baon mong Pritong Bacon? Kasi ako OO, kaya naisip kong magluto ng Bacon Kimchi  Jjigae para maiba naman.

Napakadali lang gawin at lutuin ang Bacon Kimchi  Jjigae. In 20 minutes, matatapos ka na agad sa pagluluto. Sundan lang ang mga sumusunod na hakbang kung paano lutuin.

  1. Ihanda ang mga ingredients:
  • Bawang at Sibuyas
  • Korean Paste (Gochujang)
  • 1 cup Kimchi
  • 1 pc. medium-sized carrot
  • 3 tablespoons ng sesame oil (secret ingredient, Nissin’s Ramen ang peg)
  • ½ kilo bacon (Para makatipid, bilhin ‘yung bacon sa Shopwise na Buy 1 take 1 for only Php 299.00.) – Suki kasi ako.

Optional ingredients para mas sosyal :

  • Pork belly, na maninipis ang slices (pamalit sa bacon)
  • Enoki mushrooms
  • Sesame seeds if meron
  • Tofu

Total estimated cost: Php 300.00 only.

  1. Kapag nakahanda na ang mga ingredients, maari na nating i-prito ang bacon – dapat medjo tustado ng kunti.
  1. Kapag tapos na tayong magprito ng bacon, igisa ang bawang at sibuyas. Pagkatapos, ilagay na ang bacon at paghalu-haluin sa kawali.
  1. Lagyan ng dalawang basong tubig or more, depende sa dami ng niluto mo or sa dami ng sabaw na gusto mo.
  1. Kapag kumulo na, ilagay ang kimchi at timplahan ng pampalasa tulad ng asin or Magic Sarap (pampadaya para sure ka sa lasa).
  1. Lagyan ng tatlong kutsarang Korean Paste (Gochujang) or more, depende sa gusto mong pang-lasa. Kung gusto mong mas maanghang pa, dagdagan mo pa ng Gochujang.
  1. Ilagay ang tatlong kutsarang sesame oil para lalong lumasa at mangamoy ang sarap ng iyong niluluto.
wp-1458216209077.jpg

Photo Credit by: www.geoffreview.com

wp-1458216268998.jpg

Photo Credit by: www.geoffreview.com

wp-1458216218444.jpg

Photo Credit by: www.geoffreview.com

Sa baon kong lunch today, mga 5-8 katao ang pwedeng makakain kaya super tipid pa diba? Kaya sa mga kumain kaninang tanghali, you owe me Php 50.00 per head. Hahaha…hindi mo na kailangan pang pumila at pumunta sa Korean restaurant kung pwede mo namang gayahin ang niluto ko. Sosyal pa ang baon mo amoy kimchi.

No more articles