Alam kong nagtataka kayo kung meron ba talagang Korean Spicy Pork Adobo.

Well well well, meron nga at ito’y naluto ko lang kagabi para baonin kinabuksan for lunch at malamang sa malamang marami na namang makikikain at makikitikim sa niluto ko sa office.

Mga Ingredients sa Pagluluto ng Korean Spicy Pork Adobo:

  • 1/2 kg. Karne ng Baboy
  • Bawang at sibuyas
  • Korean Paste (Gochujang) – mabibili ito sa grocery store, sa international section area (Shopwise) – suki kasi ako doon.
  • Potato Marbles (10-15 pcs.)
  • Toyo, Suka, Paminta

Note: Estimated Cost is only Php 200.00

Napakadali lang gawin ang  Korean Spicy Pork Adobo. Sundan ang mga hakbang kung paano ito lutuin.

  1. Kunin sa freezer ang pork at pag frozen pa ito kailangan mo munang ibabad sa tubig at palambutin ang baboy. Kapag malambot na ang karne, hugasan ng maigi – not just once, maybe mga 4times at dapat wala na siyang amoy. Pagkatapos pwede mo ng hiwain ang karne ng naaayon sa gusto mong cut.
  2. Ibabad ang mga patatas sa tubig para matanggal ang mga dumikit na dumi.
  3. Hugasan at i-prepare na ang bawang at sibuyas. Kapag okay na ang lahat, maari mo nang simulan ang pagluluto.
  4. Open mo na ang Gasul, isalang na sa kawali ang karne ng baboy at lagyan ito ng kalahating baso ng tubig para lumambot.
  5. Habang nakasalang at pinapalambot natin ang baboy, buksan ang kabilang burner at i-laga ang mga patatas sa loob ng 1o minutes para hindi over cooked.
  6. Antayin mag-dry at  magmantika ang baboy. Kapag nagkulay brown ay isa-isa mong baliktarin. (Paalala: bago baliktarin, pahina-an ang apoy para hindi ka matalsikan ng mantikan sa mukha or kung saan man ng parte ng katawan mo).
  7. Igisa ang sibuyas at ang bawang na medjo sunog ng kunti,  pagkatapos timplahan mo na ito ng mga pampalasa tulad ng toyo, suka at paminta.
  8. After 2-3 minutes, ilagay ang mga patatas at lagyan na ng Korean Paste (Gochujang) at ihalo-halo mo lang hanggang ma-distribute sa lahat. Kapag sa tingin mo ay okay na, hayaan sa loob ng 2-3 minutes. Pagkatapos luto na ang ating Korean Spicy Pork Adobo with Potato Marbles.
20160315_003136-01

NOTE: hindi pa ako magaling kumaha talaga ng mga photos na pang Food Blogger. Lol, ang mga pork natabunan ng mga patatas. hahaha

Bakit ba natin nilagyan ng patatas? Dahil nagtitipid ako at kulang ang karne. Ang patatas (ni Sarah) na hinalo ko ay pampadagdag at para maging sapat sa lima ka taong makikikain.
Paano siya naging Korean? Dahil sa Korean Paste (Gochujang) kaya naglasang Korean na siya at ako lang din ang nag-imbento sa luto na yan.

 

No more articles