Alam kong nagtataka kayo kung bakit after 2 years naisipan kong isulat at ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa pagbisita sa Bansang Hapon. Una, dahil hindi ko alam kung paano gamitin ang wordpress,
wala akong tiyagang matuto at nahihiya akong magtanong kung paano gamitin kasi pagtingin ko pa lang medjo complicated na ang format ng wordpress, at higit sa lahat Walang Tiwala sa Sarili sapagkat natatakot akong magkamali at pagtawanan kasi hindi ako sanay magsulat lalo’t iniisip ko in English format para sosyal. Eh kung mali-mali naman ang grammar eh mas nakakahiya dba? Kaya hindi ko na pinilit ang aking sarili. Ang alam ko lang kasing gawin ay magkwento, dumaldal at makipagchikahan. Kaya, tara magkwentuhan na lang tayo papuntang JAPAN.

Last April 27, 2014, ang araw na kung saan ako’y umalis papuntang Japan, here I come,  para simulan ang 15days na bakasyon (bongga 15days, take note ah hindi basta basta) hahaha. Bago ako umalis ng bahay, nag-online check in na ako para 2hours before my flight, andoon na ako sa airport.Kaso ang nangyari, I arrived at NAIA T3 50minutes before my flight schedule. Kabado na ang lola mo kasi late na dba (I’m running out of time), kaya super mabilisang lakad patungo sa Cebu Pacific counter, I showed my on line check in to the attendant and she told me to pay the travel tax and after paying the travel tax I went back sa counter, checked-in my luggage and they gave me the boarding pass na. Mga 10minutes ko lang tinapos yon, napawi ang kaba..hingal na lang.

Next step, naglakad na ako papuntang International Departure Area, nagfill-up ng form at pumila sa Immigration Officer. That moment sobrang kabado at ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kasi sumagi sa isipan ko “what if” hindi ako papayagan ng immigration officer na magtravel? Plan A. kausapin ang Immigration Officer at tanungin kong bakit hindi ako eligible to travel, then show some supporting documents. Plan B. Magwawala ako ng bonggang-bongga. Weird dba? Habang nasa pila ako. I took a deep breath (inhale/exhale), relaxed my emotions and I prayed Our Father and Hail Mary to enlighten the mind and heart of the immigration officer. So it’s my turn na, inabot ko lang ang aking passport sa Immigration Officer at no questions asked, tatak agad. Swerte nga naman pagmalakas ka kay Bro. Sigh… Abot langit ang tuwa ko. So, I messaged all my close friends and especially Dess na okay na ako and waiting na lang for boarding.

Around 10:00pm dumating na ako sa Kansai International Airport (Osaka Airport). Ayan na…the Japanese cutie Immigration Officer welcomed to me sa Japan. Pi-picturan ko sana for documentation purposes kaso no camera allowed pala buti na lang nagbasa talaga ako. Kasi kung hindi Nganga…balik Pinas siguro ako.

This is it pancit na mainit, nasa loob na ako ng airport, ang una kong ginawa ay umikot, magmasid, kumuha ng mga lawaran para i-document ang mga una kong nakikita na wala sa Pinas, syempre check-in muna sa foursquare agad-agad na ngayon ay!SWARM! na para mang-inggit or ipagsigawan sa FB friends na nasa Japan na ako. Aminin mo gawain mo din yan.

10261952_10201772881473902_6796454816221300910_n

Ito na yon! Katibayan na dumating talaga ako sa Japan. hahaha “Welcome to Kansai International Airport”

1797409_10201918521194804_6231891826909267227_n

Ang masasabi ko lang napakabonggang navigation information system nila, napag-iwanan si Pinas.Mygad!  Lol

1902839_10201918528314982_3324585492351836351_n

Vendo Machine, meron ganyan sa pinas kaso pili lang kasi “It’s more fun in the Philippines” kapag naglagay ka sa public area, kinabukasan basag na yan at ninakaw na ang laman. Lol

10325176_10201774299909362_3191889055442249045_n

Kasing Sosyal ko ang Smoking area nila, kaya i took a selfie.

10170902_10201774242387924_1147803404779213273_n

My first dinner sa Japan. I bought this sa Family Mart na ngayon ay marami nang branches sa Manila.

Ang masasabi ko lang sa Kansai International Airport ay bongga, napaka-moderno, nakapalinis at safe pa. Pwede ka pang magpalipas ng gabi para makatipid sa hotel accommodation kung yong flight schedule mo ay katulad sa akin (~945 pm). Pero kung maarte ka at hindi ka nagtitipid, meron ka namang option na magstay sa hotel at meron silang tinatawag na Capsule Hotel (medjo mura lang, mga Php 3000/night) sa loob ng airport kung saan pwede kang matulog/magpahinga at maligo kinabukasan.

Ang ginawa ko dahil hindi naman ako maarte…sa loob lang ako ng airport at sa mga upuan nagpahinga/umidlip (purita…pero may dignidad dahil nde ko pinagdikit-dikit ang mga upuan para makabuo ng…kama).  In short, inayon ko lang ang arte ko sa bulsa ko.  Kasi, kinabukasan, kailangan ko rin namang lumipad nang sobrang aga papuntang Fukuoka. In fact, hindi naman ako nakatulog kasi nga excited na akong pumuntang Nagasaki para bisitahin si Dess at mag-feeling sosyalerong bakasyonista.

Around 7:00am, naglakad na ako at hinanap ko ang libreng bus transfer papuntang Osaka Domestic Airport.   Para hindi ako maligaw, sinundan ko lang yong directions na binilin sa akin. By the way, ang Peach Airlines ay isang budget airline sa Japan na based sa Osaka.  This is an alternative to the Shinkansen (bullet train) for everyone na gustong magtravel around Japan.  Singlayo ang nararating subalit di singmahal. Pak!

1959338_10201775692744182_4627261999650193570_n

Ang Peach Airline (Japayuking CebuPac) check-in counter.  Sosyal na naman, diba? kailangan mo lang i-scan ang barcode to get the boarding pass. Walang pila hindi katulad sa atin na pila balde!

10175970_10201778151525650_912997286293095678_n

Sympre pagpasok ko sa departure area, ang unang hinahanap ng mga nagyoyosing kagaya ko ay ang Smoking Area na kagaya nito. Kitams??? Aircon pa.

10253993_10201899432357595_7110555273148296097_n

Tsaran…. yan ang sinakyan ko papuntang Fukuoka. From Osaka to Fukuoka mga 1hour lang ang byahe kaya meron akong time para matulog at tulo laway pa. (yuck) hahaha.  For a very reasonable price of JPY 5500 or Php 2500 0ne-way.

 

10346656_10201899345715429_8875678537832481954_n

After 1hour, Welcome to Fukuoka! Japan na Japan ang peg nung istatwa!

 

10394483_10201899256313194_4338691828299759870_n

You can actually buy a ticket online…kung nakakaintindi ka ng Nihonggo (or kung marunong kang mag-Google Translate.  Dess bought a ticket for me online and dito ko pinapalitan yung online voucher na pinadala sa akin for a bus ticket papuntang Nagasaki. Dito din pwede kang mag renta ng cellphone or pocket wifi para magamit mo habang nasa Japan ka.

 Matapos kong makuha ang bus ticket, lumabas na ako ng airport and  I asked the security guard in English (lol) kung saan ang sakayan ng bus papuntang Nagasaki to confirm the correct or exact boarding area dahil andaming boarding areas. Huwag mag-feeling na alam mo ha…dapat magtanong. Okay??

Sadyang nakakatuwa ang mga Hapon.  Napaka-masunurin nila sa oras–pagsinabing 08:00am ang dating ng bus, it’s amazing…dumating talaga sa saktong oras ang Bus na sasakyan ko. At kung ang alis ay 08:15am, merong pasahero or wala, aalis ang bus. Wala silang time para antayin ang mga late na pasahero. Nako juskolored, compared sa Manila, kahit puno na at wala ng maupuan hala nagpapasakay pa rin ang mga bus drivers. Nakakairita diba? Grrrrrrr.

Sumakay na ako ng bus going to Nagasaki, estimated time to travel 4hours. Pag-akyat ko sa bus, I talked to the bus driver to drop me at Matsuyama-machi Station, dahil nahihirapan akong i-pronounce ang lugar, pinakita ko na lang ang address at umupo ako sa front row halos katabi ng driver. So habang nasa bus, natulog muna ako sa byahe and I set my body clock for a 3hour-sleep. Masunurin naman pala ang aking katawan, nagising ako ng mga 11:30am so hindi na ako natulog ulet kasi estimated time of my arrival 12:30pm. Observe observe lang ako, tingin tingin sa view, walang traffic kaloka, ang laki ng kalsada at ang linis pa.

Around 12:00noon hinahanap ko kung saan nakalagay/nakadikit ang pindutan (alarm keme) to notify the driver na bababa ka na sa next station. Hala,  hindi ko mahanap, pinagpapawisan na ako kahit malamig ang aircon sa loob ng bus. Nakakastress, tinitingnan ko yong ibang passenger kung saan sila pumipindot at take note hindi ako nagpahalata, kaso hindi ko pa din napansin kung saan sila pumipindot. Sa pagkakaalala ko nahanap ko yong alarm system 1 station bago ako bumaba. So pinindot ko na agad at lumingon ang driver and told me, “you will arrive the next station” sagot ko “Arigato!” Taray!

 

10390265_10201899251113064_2909530456401338130_n

Ayan na nakarating din ako sa Nagasaki Matsuyama-machi station…ang tamang station.

Nasalaysay ko na ang halos dalawang araw kong biyahe from Manila going to Nagasaki. Maging alerto, maparaan at huwag mahiyang magtanong kasi mababait ang mga Hapon kaso no english sila. Higit sa lahat, palagi handa bago umalis.  Dapat ay na-reasearch mo ang lahat-lahat. Kung afford mong mag-open ng data, push mo lang yan para hindi ka maligaw, magdala ng map at dapat magsuot ng comfortable na damit at sapatos para sa alay lakad rampa ko keri mo.  Kung hindi ka marunong mag-research/Google, no choice….hanap ka ng Japayuking friend na maaaring tumulong sa yo.

Nagasaki ang unang leg ng aking multi-city Japan Escapade 2014.  Abangan nyo na lang ang susunod kong blog about Nagasaki-shi Japan at ang mga susunod pang mga lungsod ng Japan na aking narampahan.

Maraming salamat sa pagbabasa.

 

 

 

 

 

 

No more articles