Sabi nga ng mga usoserong kagaya ko, “It’s Better Late than Never.” At dahil na inspire ako sa positive feedback sa una kong blog post kahapon, ngayon naman ay gusto kong magbigay ng kaalaman at maparaang paghahanda sa pagbisita sa Bansang Hapon.

Alam kong maraming Pilipino ang nangangarap na bumisita at magbakasyon sa JAPAN. Kaso, kapag narinig natin ang salitang JAPAN, unang pumapasok sa isipan natin ay MAHAL at MAHIRAP KUMUHA NG JAPANESE VISA, kaya ayoko na lang, give up na agad agad. Tama ba ako? Sabihin mo OO, wala kang choice, kasi yon din ang naramdaman ko.

MGA HAKBANG PARA MAKAMIT ANG MINIMITHING PANGARAP:

  1. Kung gusto mo talagang magbakasyon sa Japan, mag-ipon ka ng pambili ng murang ticket sa AirAsia or Cebu Pacific at mag-abang ng promo kasi yan lang ang alam nating airlines na affordable. Mga Php 10,000.00 pwede na.
  1. Kapag nakalikom/nakaipon ka na ng sapat na pera, maaari ka ng maging busy every night/mid-night para mag-check ng mga promos.
  1. Siguraduhing kapag nakahanap ka na ng murang flight, huwag atat, okay? Kailangan ang pagitan ng pag-book mo ng flight ay more than 6 months pa para makapag-ipon ka pa ng perang pang-allowance mo. Tipid Tipid din kasi pag merong time. Nakadepende kasi yan sa length of stay mo doon.
  1. Ngayon dahil nakabook na tayo ng flight, ang susunod nating gawin ay magbasa, magresearch kung saan saan tayo rarampa at maging certified bakasyonista nang naaayon sa ating bulsa. In short, gumawa ng itinerary.
  1. Dahil okay na tayo sa budget and itineraries. Our next step is to get a Japanese Visa. Ang una kong ginawa ay inilista ang requirements for JAPAN Visa Application.
  1. LIST OF JAPAN VISA REQUIREMENTS
    • Passport – double check the expiration date of your passport at huwag patanga tanga baka pagdating ng araw NGANGA ka sa airport.
    • Fill Up the Japan Visa Application Form
    • NSO Birth Certificate
    • Certificate of Employment with Compensation
    • Certificate of Compensation Payment / Tax Withheld (BIR Form. 2316)
    • Bank Certificate – (Php 75,000 – Php 150,000.00 show money. Kung wala kang ganitong pera, magsimula nang mangutang.)
    • Copies of your flight tickets
    • Copies of your hotel bookings
    • Travel Itineraries with budget, like this – JAPAN TOUR BUDGET, TRAVEL ITINERARY Version 2 27 April to 11 May 2014 for MR
    • Two (2) Valid ID’s with 3 specimen signatures
  1. Make sure that all requirements are complete. Submit your requirements sa isang accredited Travel Agency kasi sila lang ang authorized na mag-apply ng visa. Para hindi na kayo maghanap Rajah Travel(libreng advertisement pa. sosyal.), Php 1,500.00 processing fee.
  1. Ang pinaka huling tip ko at ang pinakamahalaga sa lahat, pumunta ka sa Baclaran Church at magdasal at manalig na ma-approve ang visa application mo. After one week I got a txt message from Rajah Travel Agency to get my passport saying… Yehey! I got a Japan Visa (hindi ganyan ka-perky yung actual text pero yan ang point).

Failure is not an option. Kaya tara na at maging feeling sosyalerong bakasyonista sa Japan. Bongga diba?

 

 

No more articles