Nakasanayan kong every weekend na magluto for our Brunch/dinner. Sa araw na to naisip ko na bakit hindi ko isulat sa blog ang aking mga niluluto para naman magaya ng iba. hahaha (asumera lang ang peg).

Alam ko naman na napakabasic lang lutuin ang Bulalo pero nilagyan ko naman ito ng twist na maging maanghang sapagkat kami ay mahihilig sa mga hot & spicy food.

 Narito ang listahan ng mga bonggang sangkap at presyo sa pagluluto ng Spicy Beef Bulalo.

  1. 1 kilo Beef  Shank – Php 239.00 (Shopwise)
  2. Repolyo (kalahati) – Php 18.00 
  3.   Pechay – Php 25.00 
  4.    1 pc. Corn (mais) – Php 20.00 
  5.    Pepper Corn (Paminta) – Php 3.00 
  6.    Green Onions (Sibuyas) – Php 10.oo 
  7.    6pcs. Saging na Saba – Php 20.00 
  8.    4 pcs. Patatas – Php 25.00 
  9.    Baguio Beans – Php 10.00
  10. Siling Mahaba – Php 5.00
  11. 2pcs. Magic Sarap – Php 8.00

TOTAL COST : PHP 383.00 ONLY

Paraan ng Pagluluto.

  1. Ang unang gawin, simpre hugasan ng maayos/maiigi ang beef para hindi maamoy at para mawala ang lansang amoy.
  2. Pagkatapos mahugasan ang beef, ilagay sa pressure cooker at isalang na sa nagbabagang apoy para lumambot ang beef. Dahil gumamit tayo ng pressure cooker sa pagpalambot ng beef, antayin nating tumunog ang pressure cooker at pag tumunog na ito, panatilihin until 15 to 20mins bago patayin ang apoy.Paalala: After patayin ang apoy, huwag buksan agad ang pressure cooker kasi delikado yon. Maiging palamigin muna ito ng mga 3omins bago buksan para iwas disgrasiya.
  3. Habang nakasalang ang beef, maiging iprepare na ang ibang sangkap na gagamitin sa pagluluto ng spicy beef bulalo at simpre hugasan ng maigi ang mga nakalistang bonggang sangkap.
  4. Okay, Malambot na ang ating beef, buksan ang apoy at isalang ulet ito para ilagay natin ang mga pampalasa.
  5. Pagkumulo na, unang ilagay ang Siling Mahaba, White Onions (para soysal), Mais, Patatas. Takpan ulet para maluto. 
  6. Pagkumulo na ulet at feeling mo okay na or luto na ang mais at patatas. Ilagay ang baguio beans, repolyo at pechay. Pagkatapos timplahan mo na ang sabaw para lumasa, sa akin nilagyan ko ng magic sarap para lumasa ang masarap (pampadaya) at patis. Pagkatapos patayin na ang apoy at luto na ang iyong Spicy Beef Bulalo.

Hindi mo na kailngan pumunta ng tagaytay para matikman ang kanilang famous bulalo pwede mo na din lutuin sa inyong bahay. Sundan lang ang mga nakasulat na para matikman mo ang lasang bulalo ng tagaytay.

#LutoNiEmon. #LutongBahay #LutongPinoy

 

 

 

 

 

No more articles